medyo tahimik na ang mga pangyayare sa lagim na dinala ni Yolanda sa Pilipinas.
Halos buong mundo nagkakaisa sa pagtulong sa ating bansa.
Nasa news, halos siguro umabot na sa billions ang donations in cash .
Wag mo ng imention ang relief goods.
Ang tanong ko ngayon..
Nakaabot kaya ang mga donasyon ng mga 'to sa mga biktima?
Sana yung mga na displaced at mga nawalan ng bahay sa Tacloban,
pagawan nila ulit ng isang raw houses man lang.
Wag na sana nilang pag-initan ang donasyon kasi makakarma din sila nyan.
Pera lang 'yan...kung mgkasakit o mamatay man sila..di nila madadala sa hukay at maeenjoy ang mga yan.
Sorry kung ganito ako mag-isip sa mga opisyal natin sa pinas.
Mahirap talaga pag wala ka ng trust eh.
Prayers ko na lang, sana magiging ok na lahat..ang mga biktima, nawalan ng mga mahal sa buhay, nawalan ng mga properties at nawalan ng mga kamag-anak .
Wag po sana kayong mawalan ng pag-asa.
Pray lang lagi.
At use Psalm91 ...God's Prayer of Protection for His people.
Pilipinas, sana makabangon ka na talaga. Di lang kung may bagyo o sakuna,
Kundi pati na rin sa pgkakalugmok mo ngayon dahil sa mga corrupt.
Mahal pa din kita Pilipinas.
I will keep praying for you.
No comments:
Post a Comment