Showing posts with label Farewell : ABIGAIL LESTE #LuckyPlazaCarAccident. Show all posts
Showing posts with label Farewell : ABIGAIL LESTE #LuckyPlazaCarAccident. Show all posts

Saturday, January 4, 2020

Farewell : ABIGAIL LESTE #LuckyPlazaCarAccident

Nakakalungkot po ang naging kapalaran ng ating mga domestic helpers na kababayan

dito sa Singapore.

Habang nagpipicnic po sila sa Lucky plaza para i-celebrate ang Christmas at New Year together,

isang kotse ang umararo sa kanila. Sa mapanood nyo sa cctv, mukhang natapakan bigla ni manong

ang accelerator at 'yun tuloy-tuloy na nasagasaan ang mga ate. :( Mahirap manghusga pero

aksidente po ang nangyari. Walang may kagustuhan nito.Kaya let us pray na lang sa ating mga kababayan na nasa ospital at nagrerecover pa. at si Ate Arcely Nucos, praying na maging succesful ang kanyang surgery.

Si ate Edna naman po ay conscious na.

Maraming speculations or tsismis na kesyo si manong driver daw eh hinabol ang asawa nya na

nalaman nyang may kabit, or kesyo baka puyat si manong sa kaka-grab.

So far, wala pang news update dito about sa driver.

Pero sana makamit ang hustisya ng mga kababayan natin.

Si Abigail Leste po ay isa sa volleyball players namin sa sportsatsg volleyball league.

Kaya sobrang lungkot po kami sa ngyare.

Let us continue to pray for their soul and bereaved families po.

Ask Jesus to pour His PEACE upon them in these trying times.

:(
More updates to come po so don't forget to subscribe.

#LuckyPlazaTrahedy
#LuckyPlazaCarAccident