Ako magpapakatotoo.
Wala ako masyadong alam dyan sa mga RA Act xxxx na yan.
Wala din akong pakialam kasi tinitingnan ko ang buong progress ng Pinas for 10 years??
Wala pa akong nakitang spectacular except
Nanalo si manny Pacquiao ke ganito. Sumikat si Charice sa US.
(Paki-update po ako.)
5 years na ako dito sa Singapore.
Once or twice a year umuuwe ako ng Pinas.
Ok! Gumanda na ang airports natin. Saludo ako dyan!
Pero anu pa bang mga progress ang ngyayare?
Dumadami na ang condos, malls, anu pa?
Huling uwe ko , nahuli yung sumundo samen ng 3 beses.
Nakuhaan kami ng 1,500 para lang di makuha ang lisensya.
Very good di ba?
Nakita ko sa mga main roads, lubak-lubak na daan, masisikip pa din mga eskinita.
Madaming bata na ngbebenta ng sampaguita, namamalimos.
Wait lang pala. Kasi di ko nakwento bago kami nakalabas ng airport
ay na-stranded kami ng 12 hours sa Naia dahil super lakas ng ulan nun at
SUPER BAHA sa manila!
Eto na!
Para saken, walang problema kung mgfile ng kung anu-anung bill.
Pero tanong ko lang sayo Tito Sotto ( sana mabasa mo 'to at ma-trace ng mga staff mo)
'Yan na lang ba ang dapat tutukan natin sa panahon ngayon?
Bakit di kayo mgpass ng bill na matutukan ang pag solve ng mga patayan dyan sa Pinas?
Panu matakot ang mga snatchers para di na nila gagawin yun ulet kung mahuli man.panu sugpuin ang mga druglords or drug pushers?
Panu dumami ang trabaho at taasan ang mga sweldo? Iimprove ang roads, drainage etcetera. Ituloy ang mga pangakong wag naman sanang forever mapako.
Mahirap ba yan gagawin?
.
Sa inyong lahat na mga Philippine leaders..
Just a reminder...
Politics.
Power.
Money.
Masarap pakinggan yan pero it's not gonna last forever.
Only your soul will last so please DO NOT LOSE it.
I will keep praying for you all.
Kaya nyo yan.
Just keep asking for God's guidance and healing.
- Posted using BlogPress from my iPad