Nakita ko 'to sa Dog Lovers Philippines page group namin. Eto iboblog ko agad. Ang sakit makitang nakaratay na ganito ang kahit isang "aso" lang (kung sasabhin ng iba) Bakit mas maawain ako sa aso kesa tao? Eto ang rason nun. Ang mga hayop o pets natin ay hindi makakapgdepensa sa sarili nila. Mabibigyan man sila ng justice o hindi, Dyos na lang ang bahala. Ang mga cases na ganito ay naniniwala ako, kung sa law, o dito sa mundo ay makakaligtas sila, hindi sila makakaligtas sa "bad karma". I will keep praying for the abused and abandoned dogs like BUDAY. Basta na lang syang binaril ng kapitbahay ng ka-DLP namin, sa ngayon po ay wala pang suspeks. Sana kahit papanu may makagawa ng paraan o mag-take aksyon. Kung ang isang tao ay nagagawa eto sa walang kalaban-laban na aso, magagawa din nya eto sa kapwa nya. Let us pray na sa inyo o sa pamilya natin mangyayare eto. My heart is breaking. Di ko kilala si Buday, pero I'm in tears. Sana ...