Monday, September 17, 2012

Badtrip ang Philippine Embassy sa Singapore

3 years ago I posted about Philippines Embassy here in Singapore.
'yung nababasa kami sa ulan kasi di man lang nakuhang ayusin yung waiting area !

Eto na ngayon ang Philippine Embassy sa Singapore.






Mukhang kaka-paint pa lang nya. Lolx!

Ok na sana ...may bubong, queue number etc. kaso walang aircon!
Sa labas SUPER init !!!!

Di ako mareklamong tao. Matiisin ako pero sana man lang naiisip ng Philippine government na mainit ang weather dito sa Singapore. Sana naglagay sila kahit man lang portable aircon!
Nung pumunta ako, wala pang masyadong tao. Paano na lang pag peak seasons??

Grrrrr!!




Eto sa photo na 'to tingin nyo pag umulan di na mababasa ang mga kababayan natin dito?? Water proof ba ang Pinoys sa Singapore???

Maski dito sa Singapore pinaparamdam ng Philippine government kung ganu sila ka-corrupt! Kulang pa ba nireremit namin dito para ganituhin nila??!

Eto pa nakakasamang loob!

Ok lang sana kung lahat walang aircon, bah yung mga nasa loob ng opisina grabe kalamig ang aircon nila! At eto pa, masusungit at babastos pa nila kung makipag-usap sa mga OFW! Kala mo kung sino! Sila na nga naka-aircon ..sila pa mainitin ang ulo!

Haaaayo! (disgusted!)


I am only speaking based on my experience.
Minsan lang ako napapadpad sa Philippine Embassy dito sa Singapore kagaya ngayon kasi no choice, kelangan ko lang mg-renew ng passport.

Pero too bad, eto pa na-eexperience ko.

Kaya ayoko na bumalik dun!

Alam nyo dito sa Singapore,
halos lahat ng public or private establishments naka aircon. So far , sa mga napupuntahan ko ganun. Hawkers (normal kainan) lang dito ang walang aircon. Pero etong Embassy natin , nag-iisang non-aircon sa Nassim Road Orchard. Kakahiya !!!

Sa nga pinoys in Singapore na pupunta sa Embassy magdala na lan kayo ng pamaypay nyo kasi super init talaga tutulo na pawis nyo! Nakakasira ng porma.

Yun lang masasabe ko!

Like and Share nyo to para makarating sa mga buwaya sa Pinas!





Posted using BlogPress from my iPhone