Host: What "N" (narra) is the national tree of the
Philippines?
Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!
*********
Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose
Rizal?
Contestant: Sa back?
Host: O sige, puwede rin na ang simula ay
letter "L"
(Luneta).
Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang
initials ng modern name nito
(Rizal Park).
Contestant: Rear Part? (Susme! Likod pa rin yun!)
************
Host: Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag
summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hindi, marami kang makikita duong mga
babaeng
naka-bikini.
Contestant: Beerhouse!
************
Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na
sumasagip sa iyo pag ikaw ay
nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng
sabon
ang pangalan ng ito.
Contestant : Safeguard?
Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot
mo.
Contestant : Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang
kaniyang
katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!
************
Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na
flotation device sa dagat upang
hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?
************
Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower
of the Philippines?
Contestant: Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at
dadagdagan ko pa! Anong pangalan
ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa
letrang "A", at kapangalan ng
isang sikat na singer?
Contestant: Si...Sharon Cuneta!
************
Host: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster
(Eugene Torre) of Asia?
Contestant: Carole KING?
Host: Hindi, mas mababa sa king.
Contestant: Al QUINN?
Host: Hindi, tagalog ang apelyido niya.
Contestant: Armida Siguion-REYNA?
Host: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
Contestant: BISHOP Bacani?
Host: Mas mababa sa bishop.
Contestant: Johnny MidNIGHT?
Host: Mas mababa sa Knight.
Contestant: Jerry PONS?
Host: Oh, ayan na, nabanggit mo na lahat ng
piyesa
sa Chess. Yung
kahuli-hulihang piyesa na lang.
Contestant: Sylvia laTORRE!
************
Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of
the Philippines?
Contestant: Kuto?
Host: Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant: Kutong Lupa!
*************
Host: Sino ang national hero na naka-picture sa
500
Peso bill? Clue, may
initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end
sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA
AUNOR!!!
No comments:
Post a Comment