Habang tinatype ko 'to, naiisip ko kung gaano karaming tao pa ang gustong mabuhay—hindi lang basta mabuhay, kundi mabigyan pa ng isa pang araw, isa pang oras, kahit ilang segundo lang—para lang makapagpatuloy sa pag-abot ng mga pangarap nila. May mga taong kahit pagod na, kahit ang bigat na ng dinadala, pilit pa ring lumalaban kasi may gusto silang marating, may dahilan silang hindi bumitaw. Tapos meron din namang iba na handang isugal ang lahat—pati na ang sariling buhay—para lang matupad ang pangarap nila. Para sa ilan, parang kabaliwan 'yon. Pero para sa kanila, ‘yun ang kahulugan ng buhay: ang ipaglaban kung ano ang mahalaga sa’yo, kahit gaano pa ito kahirap, kahit gaano ka pa masaktan sa proseso. Iba-iba talaga tayo ng landas. Iba-iba ng trip, ng diskarte, ng pananaw sa tagumpay. Hindi natin palaging maiintindihan ang choices ng ibang tao. Tulad ng mga umaakyat sa Mt. Everest at iba pang matataas at delikadong bundok—bakit nga ba nila gustong gawin 'yon, kahit nakaka...